Skip to content
This repository has been archived by the owner on Dec 14, 2022. It is now read-only.

antaresphdev/antaresprogramming

Repository files navigation

Antares Programming

The new official website of Antares Programming

Ano ang nangyari sa lumang site?

Kung matagal mo nang sinusundan ang Antares Programming, baka matandaan mo na nagkaroon kami ng iba-ibang website. Sa ngayon, ang repository na ito lang ang official na website ng Antares Programming, at accessible ito via antaresph.dev. Hindi na tatanggap ng updates ang mga lumang site, pero mananatili silang live para hindi masira ang mga links na naka-point na sa kanila.

Contributing

May nakita ka bang bugs? Puwede kang mag-open ng bug report sa Issues tab. Puwede mo rin kaming tulungang i-fix ang mga bugs sa site.

Requirements

  • node v16+
  • knowledge in web development, especially SCSS, 11ty

Building locally

  1. I-clone ang repository na ito
git clone https://github.com/antaresphdev/antaresphdev
  1. I-install ang mga dependencies gamit ang npm
npm install
  1. I-run ang server
npm start

Maa-access mo ang live site via https://localhost:8080. Magre-reload ang server (pati ang webpages sa browser) kapag may bago kang changes sa mga file.

  1. Kapag may naayos ka nang bug, puwede kang mag-send ng pull request.

“Gusto kong sumulat ng articles para sa Antares Programming.”

Puwede kaming tumanggap ng articles mula sa inyo para i-publish sa Antares Programming. Generally, nasa inyo pa rin ang ownership ng articles, pero ibibigay ninyo sa amin ang right to first publication (ibig sabihin, kami ang unang magpa-publish ng article mo bago mo ito ilagay sa ibang sites o literature). For more details, mag-send ng email sa amin sa info@antaresph.dev.